Lalawigan ng Cotabato – Aktibong nakiisa ang DENR-PENRO Cotabato sa Joint Meeting ng Cotabato Province Tourism Council (CPTC) at Cotabato Province Tourism Officers noong Abril 10, 2025, sa Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City.
Tampok sa pulong ang paghahanda ng DENR, LGUs, kapulisan, BFP, at PDRRMC para sa seguridad ng mga turista ngayong Semana Santa o Holy Week. Iniulat ng DENR ang patuloy na pagsasara ng Mt. Apo Natural Park (Cotabato side) batay sa Sub-PAMB Resolution No. 24, Series of 2024, na pansamantalang nagsususpinde ng trekking, camping, at iba pang aktibidad habang hinihintay ang aprubal ng Protected Area Management Plan. Nananatiling sarado rin ang Asik-asik Falls sa Libungan River Watershed Forest Reserve (LRWFR) dahil sa isinasagawang rehabilitasyon.
Tinalakay rin ang pondong inilaan ngayong taon para sa assessment at pagbuo ng management plan ng mga potential cave tourism sites, katuwang ang DENR-12. Samantala, inaprubahan na ng CPT Council ang 2024 Revised Tourism Code IRR bilang hakbang sa mas responsableng eco-tourism at pagpapalakas ng mga polisiya sa kalikasan sa lalawigan.



