Kidpawan City, Cotabato: Upang mapalakas ang pagpapatupad ng batas at pamamahala sa likas-yaman, nagsagawa ang DENR-PENRO Cotabato ng dalawang araw na pagsasanay sa paralegal at technical writing noong Agosto 27–28, 2025 sa Hof Mansion, Amas, Kidapawan City.
Dinaluhan ito ng mga forest rangers at teknikal na kawani mula sa PENRO, dalawang CENRO, at Protected Area Management Offices ng Libungan River Watershed Forest Reserve (LRWFR) at Mt. Apo Natural Park (MANP). Pinangunahan ng mga eksperto mula sa DENR 12 Enforcement Division at mga Legal Researcher, kasama si Ms. Cheryl I. Cerias, PhD ng DepEd na nagbahagi ng kaalaman sa technical writing.
Layunin ng pagsasanay na hasain ang kasanayan ng mga kawani sa legal documentation at malinaw na report writing upang matiyak ang mas epektibong pagpapatupad ng batas pangkalikasan at mas matatag na pamamahala ng kagubatan at kalikasan sa Cotabato.









