Makilala, Cotabato– Kaugnay ng pagdiriwang ng Endangered Species Day 2025 na may temang “Celebrate Saving Species: Calling for Action to Reduce Harmful Activities and Strengthen Conservation Efforts,” isinagawa ng DENR-PENRO Cotabato ang isang Information, Education, and Communication (IEC) Campaign sa Barangay Batasan, Makilala noong Mayo 16, 2025.

Pinangunahan ng Monitoring and Enforcement Section at Conservation and Development Section, ang aktibidad ay nagtampok ng mga talakayan ukol sa RA 9147 (Wildlife Act) at sa kahalagahan ng biodiversity sa Mt. Apo Natural Park.

Layunin ng kampanya na paigtingin ang kaalaman ng komunidad sa pangangalaga ng mga hayop at halamang nanganganib nang tuluyang mawala, at himukin ang pakikiisa sa pagpigil sa mga ilegal na aktibidad sa kalikasan.